Korean Wedding Photography by IDOWEDDING | Jett & Airene

“Awesome!” Iyon ang unang bagay na pumasok sa isip namin nung pabalik na kami ng Singapore galing Korea.koreanweddingphotography_idowedding3331Ang lahat ng ito ay nagsimula, mga dalawang taon na ang nakakaraan, nung una namin nakita yung iDo-Wedding sa facebook. Sa oras na iyon, sobrang nagustuhan namin yung mga larawan – masasabi naming kakaiba ang mga kuha at nagppakita ng mga emosyon – nakakatuwa at mukhang masaya ! At dahil dito naisip namin “Sigurado kukunin din namin sila para sa pagkuha ng aming pre-nup photos.” – at eto na kami ngayon … talagang nasiyahan sa mga resulta. koreanweddingphotography_idowedding3215Mangyari pa, ang iDo-Wedding ay hindi magtatagumpay nang wala ang buong grupo na binubuo ng mga sumusunod: JiYoung, aming consultant sa Singapore, na mahusay na nangangasiwa sa amin bago at pagkatapos ng photoshoot; Gina, ang aming manager sa Korea, na gumaganap bilang isang magaling na tagapamagitan at tagapamahala samin nung kami ay nasa Korea; ang Bridal Shop consultant, na nagbibigay ng kapaki-pakinabang na kaalaman at mga mungkahi sa aming mga isusuot (bridal gowns and tuxedos) para sa photoshoot; mga Salon consultant, na mahusay na nangangasiwa sa pangkalahatang hitsura ng aming buhok at make-up; Photoshoot personal assistant (Ahjumma), na matiyaga at episyenteng nagaasikaso sa lahat ng pangangailangan namin sa buong photoshoot session; At siyempre, ang Photographer, na mahusay na pumatnubay at kumukuha ng aming mga larawan.koreanweddingphotography_idowedding3237Sa pangkalahatan karanasan, kami ay nasisiyahan at mapalad na makatrabaho ang buong grupo ng Ido-Wedding at dahil dyan, hindi kami magdadalawang isip na hikayatin ang sinuman na kunin ang serbisyo ng iDo-Wedding. Kaya, sa mga interesado, wag kayong magatubili na tangkilikin ang serbisyo ng iDo-Wedding! 

Muli, taos-puso kaming nagpapasalamat sa IDo-Wedding sa hindi makakalimutang karanasang ito! 

– Jett & Airene

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: